Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Digong walang despedida sa gabinete

0 83

Hindi magkakaroon ng farewell party o despedida si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng kanyang gabinete para sa pagtatapos ng termino niya sa Hunyo 30, 2022.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, sa halip na despedida ay magkakaroon sila ng cabinet meeting sa susunod na linggo na pangungunahan ni Pangulong Duterte.

“Walang despedida pero meron kaming cabinet meeting next week so maghaharap-harap pa. Hindi natin alam kung masusundan,” ani Lopez.

Hindi rin binanggit ni Lopez kung ano ang magiging agenda ng cabinet meeting na inaasahang dadalo lahat ng kalihim ni Pangulong Duterte.

Matatandaang naging madalang na ang pulong ng gabinete dahil sa COVID-19 pandemic. Kadalasang ginagawa na lamang ay ang lingguhang `Talk to the People’ kung saan dumadalo ang mga opisyal ng pamahalaan na may kinalaman sa ginagawang pagtugon sa pandemya. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.