Una sa Balita

Digong walang bakasyon sa Kapaskuhan

0 472

HINDI magbabakasyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa panahon ng Kapaskuhan, ayon sa kanyang spokesman.

“Si Presidente naman, nakikita ko naman, walang pahinga. Masyado ngang workaholic itong mama. Sabi nga niya magbabakasyon, wala naman eh,” saad ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo patungkol sa kinanselang 3-day leave noong Nobyembre.

“Talagang napaka-devoted sa kanyang trabaho bilang Presidente,” dagdag ni Panelo.

Si Duterte, 74-anyos, ang pinakamatandang nahalal na Pangulo ng Pilipinas. Laging isyu ang kanyang kalusugan at hindi naman ito itinatanggi ng Pangulo.

Ilan sa mga sakit na inamin ni Duterte ay ang Barret’s esophagus, Buerger disease, myasthenia gravis, muscle spasms at migraine. (Prince Golez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More