Una sa Balita

Digong ‘very good’ sa SWS satisfaction rating

0 407

MULA sa record-low na ‘good’ sa second quarter ng kasalukuyang taon, nakabawi sa kaniyang net satisfaction rating si Pangulong Rodrigo Duterte matapos na makapagtala ng ‘very good’ sa third quarter survey ng Social Weather Stations (SWS).

Ginawa ang survey mula Setyembre 15 hanggang 23 at lumabas sa resulta nito na may 70% ng mga Pilipino ang kuntento sa pamamalakad ni Pangulong Duterte sa bansa, 16% ang hindi kuntento habang 14% ang ‘undecided’.

Batay sa survey, nakakuha si Pangulong Duterte ng net satisfaction rating na +54, na ‘very good’ sa klasipikasyon ng SWS.

Nakapagtala rin ang Pangulo ng siyam na dagdag na puntos mula sa kanyang personal record-low na +45 noong Hunyo.

Binanggit sa survey na ang dahilan ng pagtaas ng siyam na puntos sa net satisfaction rating ng Pangulo ay sanhi ng pagtaas nito ng 16 puntos sa Balance Luzon, dalawang puntos sa Visayas, at tig-isa sa Metro Manila at Mindanao.

Nanatiling ‘good’ ang kaniyang net satisfaction rating sa Balance Luzon gayundin sa Visayas at Metro Manila.

Samantala, ‘excellent’ naman ang kaniyang net satisfaction ra­ting sa Mindanao.

Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,500 katao sa buong bansa. (PNA)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy