Una sa Balita

Digong updated sa Sultan Kudarat bombing — Palasyo

By
0 159

MARIING kinondena ng Malacañang ang panibagong insidente ng pagpapasabog sa Isulan, Sultan Kudarat na nagresulta sa pagkasawi ng isang tao at pagkasugat ng maraming iba pa.

Sa inilabas na pahayag ng Malacañang, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nakarating na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang insidente at patuloy na nakakatanggap ng update mula sa Philippine National Police (PNP).

Kasalukuyang nasa Israel ang Pangulo para sa state visit nito.

Abante Hiring – IT dep

“We strongly denounce the latest attack in Isulan, Sultan Kudarat. We are deeply saddened by the death of one innocent victim, per initial report, and pray for the swift reco­very of those injured,” ani Roque.

Sinabi pa ng kalihim na iniutos ng Pangulo sa PNP na paigtingin ang police visibility at pagpapatrolya at higpitan ang ipinapatupad na seguridad para sa kaligtasan ng mamamayan.

Hinikayat din ni Roque ang mga residente ng Sultan Kudarat na i-report ang mga mapapansing kahina-hinala sa kanilang komunidad para mapanagot sa batas ang mga nasa likod ng pambobomba.

“We ask the residents to report anything suspicious to the authorities as we bring to justice all culprits behind this dastardly attack,” ani Roque.