Una sa Balita

Digong tuloy ang biyahe sa Japan — Panelo

0 301

TULOY ang biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Tokyo, Japan sa susunod na linggo sa harap ng kumalat na balitang naospital ito.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na walang problema sa kalusugan ng Pangulo kaya walang dahilan para hindi ito matuloy sa kanyang Japan trip.

Nakatakdang dumalo at maging keynote speaker ang Pangulo sa 25th International Conference on the Future of Asia sa Tokyo sa Marso 31.

Inimbitahan rin ang Presidente ni Prime Minister Shinzo Abe kaya nakatakda itong umalis para sa tatlong araw na pagbisita simula sa Mayo 29-31.

Malakas aniya ang Pangulo kaya nagtataka ito kung saan nanggaling ang tsismis na inatake ito at isinugod sa Cardinal Santos Hospital sa San Juan.

Tinitiyak ni Panelo sa sambayanan na ang Pangulo mismo ang magsasabi kung mayroon itong malubhang sakit.

“Let me assure the nation, If there is anything wrong with the President’s health serious or not, to be of our concern he will tell us. And he said many times over,” ani Panelo. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy