Una sa Balita

Digong tinabla, Mocha ayaw mag-sorry kay Kris

By
0 2,631

Hayagang sinuway ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-sorry sa TV host na si Kris Aquino at ayusin ang nilikhang gusot.

Nagmatigas si Mocha at nanindigang hindi hihingi ng paumanhin kay Aquino kaugnay sa video ni dating Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino na ipinost nito sa kanyang blog para ikumpara ang kontrobersiyal na halik ng Pangulo sa isang overseas Filipino worker (OFW) sa South Korea.

“With all due respect to everyone involved, I decline to apologize for the truth,” ang maikling mensahe ni Uson sa kanyang blog.
Naunang inihayag ni Special Assistant to the President Bong Go na kinausap nila ng Pangulo si Mocha, madaling-araw noong kamakalawa dahil naiwan pa ito sa Korea.

Bahagi umano ng pag-uusap ay inutusan ng Pangulo si Mocha na ­ayusin ang gusot kay Aquino at mag-sorry ito.

Pero sa video ni Uson sa blog nito, iginiit niyang hindi si Kris Aquino ang isyu.

“Ito po ang aking res­ponse sa live video ni Ms. Kris Aquino. This is not about Kris Aquino. Tungkol ito sa paglagay ng malisya sa isang halik. Itinumbas lang sa gawain ng ibang lider tulad ng tatay niya. Ms. Aquino, this is not about you,” ang video message ni Uson.

Dahil sa naging aksiyon ni Uson ay malinaw na sinuway nito ang utos sa kanya ni Pangulong Duterte na ayusin ang gusot na nilikha ng kanyang ipinost na video.

Nauna nang sinabi ni Go na kinausap nila ni Pangulong Duterte si Mocha.

Sinabi pa ng kalihim na nagka-usap sila ni Mocha at nagkasundong tapusin na ang isyu at makipag-ayos kay Aquino.
Humingi na rin ng dispensa kay Aquino si Go kaugnay sa FB post ni Uson.

Sinabi ng kalihim na nag-text sa kanya si Kris habang pauwi sa ­Pilipinas pero hindi niya nabasa ito at muling nire-send ang text pasado ala-una ng madaling-araw.

“Kris reached out to me and we conveyed our apologies for the incident concerning her and Mocha. We understand the emotions of both sides since both leaders are well respected and loved,” ani Go.