Una sa Balita

Digong sinagot ang pagpapalibing ng batang namatay sa sakit sa atay

0 172

BIGONG maisalba ng mga doktor sa India ang buhay ng isang 11 buwang batang lalaking anak ng isang sundalo na may biliary atresia o sakit sa atay.

Malungkot na sinalubong­ nina Pangulong Rodrigo Duterte at senador Bong Go Linggo nang gabi ang labi ng batang si Eren Crisologo sa Davao City international airport.

Ang batang si Eren ay ipinadala ng Pangulo at ni Go sa India para maisailalim sa liver transplant, matapos humingi ng tulong sa kanila ang amang si Erne Crisologo, miyembro ng Philippine Army.

Gayunman, nasawi ang bata dahil sa kumplikasyon ayon kay Go.

Sinabi ng senador na may mga bata na silang ipinadala ng Presidente sa India na na­ging tagumpay naman ang ope­rasyon, gaya ni baby Zia ng Taguig City kaya’t nakakalungkot aniyang hindi pinalad ang batang si Crisologo.

Mayroon pa aniyang isang batang nasa India ngayon na ginagamot dahil sa parehong sakit.

Sinabi ni Go na lahat ng mga batang may malubha at kumplikadong sakit ay lumapit lamang sa Pangulo lalo na kung anak ng sundalo para matulungan ang mga ito.

Sasagutin aniya ni Pangu­long Duterte ang lahat ng gastos pati pagpapalibing sa batang si Eren. (Aileen ­Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy