Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Digong sa puwet papasaksak ng COVID bakuna

0 121

MANANATILI ang posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawing pribado ang pagpapaturok ng COVID vaccine sa kabila ng mga panawagan na isapubliko ito para bumalik ang tiwala ng publiko sa bakuna.

Basahin : Duterte tinawag na bulador mga senador

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi nagbabago ang desisyon ng Presidente sa gagawing pagpapabakuna.

Basahin : Pebrero turukan na! Duterte dumiskarte ng COVID vaccine

Ayon kay Roque, sa puwet magpapabakuna si Pangulong Duterte kaya hindi ito puwedeng ipakita sa publiko.

“I think so, he has said so. Sabi nga niya dahil sa puwet siya magpapasaksak, so hindi pupuwedeng public,” ani Roque.

Basahin : Duterte ipupusta pagka-pangulo para kay Galvez

Marami ang humihiling sa Presidente na tularan ang ginawang pagpapabakuna ng ilang lider ng bansa na isinapubliko ang pagpapaturok para mawala ang agam-agam at takot ng mga tao sa epekto ng bakunang ituturok sa kanila.

Basahin : Digong posibleng mauna sa bakuna – Roque

Nauna rito, mismong si Pangulong Duterte ang nagsabi noong nakalipas na taon na pangungunahan niya ang pagpapabakuna sa publiko sa sandaling mayroon nang bakuna sa bansa laban sa COVID-19. (Aileen Taliping)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.