Una sa Balita

Digong sa publiko: Tularan si Bonifacio

0 397

HINIMOK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sambayanan na tularan ang ipinakitang pagmamahal sa bayan ni Gat Andres Bonifacio.

Inihayag ito ng Pa­ngulo sa kanyang mensahe sa ika-156 anibersaryo ng kapanganakan ni Andres Bonifacio.

Nakikiisa aniya siya sa paggunita ng sambayanan sa araw ng paggunita ng kapanganakan ng tinaguriang “Father of Philippine Revolution”.

“I urge everyone to emulate his love for country in our endea­vors as we bring to life the strong and progressive Philippines that he had envisioned for us all,” anang Pangulo.

Sinabi pa ng Presidente na si Bonifacio ang gumising sa kamalayan ng mga Pilipino para ipaglaban ang karapatan at ibangon ang bansa.

Iminulat aniya ni Bonifacio ang pagmamahal sa bansa at manindigan laban sa mga mapanupil sa lipunan.

Sinabi ng Pangulo na ito ang nananatiling hamon sa mga Pilipino para ipagpatuloy ang nasimulan ni Bonifacio, at palayain ang bansa laban sa korapsiyon, terorismo, kriminalidad, illegal drugs at iba pang problema sa lipunan.

“Up to this day, we are challenged to continue his revolution as we liberate ourselves from corruption, criminality, terrorism, terrorism and other social ills that continue to plague our society,” dagdag pa ng Pangulo.

Kahit aniya patay na si Bonifacio ay hindi nawala ang mga sakripisyo nito at patuloy na nagniningas para sa makabuluhang pagbabago ng bansa.

“Even in death, his great sacrifice persists to ignite the spark of mea­ningful change so that we can bring this nation he had left behin­d to greater heights,” wika pa ng Pangulo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More