Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Digong sa publiko: Masanay sumakay ng bus, jeep, tren

0 150

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na magsanay nang sumakay ng bus at MRT kasunod nang patuloy na pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo dahil sa krisis sa Russia at Ukraine.

“‘Yong mga maya­yaman, sila lang ang makaka-afford ng oil. Tayo, may sasakyan pero mataas masyado ang presyo ng gasolina, mag-bus na lang talaga o MRT,” ayon kay Duterte.

Sinabi ni Duterte na ang bus, LRT at MRT ay nanatiling sasakyan para maihatid ang publiko sa iba’t ibang destinasyon.

Nagbabala rin si Duterte na baka magbalik tayo sa situwasyon na ang mga tao ay binibigyan na lamang ng coupons para limitahan ang paggamit ng gasolina.

“‘Di naman tayo puwedeng bumili ng libo-libong tangke ng gasolina… Eventually, it will have an impact on the economy of a country including the mobility of people,” dagdag pa ni Duterte.

Hinimok rin ni Duterte ang mga driver at iba pang motorista na huwag maghinanakit na tumataas ang presyo ng langis dahil lahat sa mundo ay tinatamaan ngayon ng pagtaas ng langis.

“Kung ang oil ang mawawala, tataas talaga lahat… ‘Pag mahal ang gasolina, mahal na ang bilihin,” dagdag ni Duterte. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.