Una sa Balita

Digong sa nasawing mga doktor: Napakasuwerte nila, namatay sila para sa bayan

0 557

Pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga frontliner na patuloy na nakikibaka para malabanan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019.

Sa kanyang mensahe sa bayan nitong Lunes nang gabi, muling ipinaabot ng Pangulo ang pasasalamat at pagkilala sa sakripisyo ng mga frontliner para matiyak ang kaligtasan ng sambayanan laban sa COVID-19.

Tiniyak ng Presidente na tatapatan niya ang sakripisyo ng mga ito at hindi kakalimutan ang kanilang kabayanihan.

“I give my sincerest gratitude to all those who are fighting in the frontlines: Our doctors, nurses, allied health professionals, police, soldiers, civil servants and everyone performing essential services in the private sector. I assure you that your efforts will be rewarded. Your heroism will not be forgotten,” anang Pangulo.

Kinilala din ng Presidente ang mga health worker na nagbuwis ng buhay sa paggampan sa kanilang tungkulin, na aniya ay makabuluhan dahil namatay ang mga ito para sa bayan.

“May mga doktor, mga nurses, attendants, namatay sila. Napakasuwete nila . Namatay sila para sa bayan. Iyon ang dapat ang rason na bakit tayo namatay. Huwag tayong mamatay sa ibang rason, nasagasaan ka lang at wala ka namang ginawa. It would be an honor to die for your country,” dagdag ng Pangulo.

Umaabot na sa 12 doktor ang namatay matapos mahawa sa mga COVID patient na kanilang pinagagaling.(Aileen Taliping)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More