Una sa Balita

Digong sa mga taga-gobyerno Ninoy Aquino gawing inspirasyon

0 320

NAKIISA si Pangulong Rodrigo Duterte sa paggunita sa ika-36 taong anibersayo ng pagkamatay ni dating Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr.

Sa kanyang mensahe, kinilala ng Pangulo ang naging sakripisyo ni Ninoy para maibalik ang demokrasya sa bansa.

Sinabi ng Presidente na sana ay magsilbing inspirasyon sa mga kawani ng gobyerno ang naging buhay ng dating senador para magsilbi ng may dignidad at dangal sa taumbayan.

“I join the entire Filipino nation in celebrating­ Ninoy Aquino Day.

May this auspicious occasion remind us of what we had lost so that we may remain committed to our solemn duty to safeguard the freedom that we now enjoy. I also hope that Ninoy’s remarkable life as a public servant will move my fellow government workers to serve with honor, integrity and purpose as well as inspire our youth to be of service to their country and fellowmen,” anang Pangulo.

Magsilbi rin sanang gabay ang mga ipinakitang halimbawa ni Ninoy upang patuloy na maprotektahan ng bawat isa ang tinatamasang demokrasya at kalayaan.

Sinabi pa ni Pangulong Duterte na sa kabila ng tinatamasa na pagbabago, marami pang dapat gawin sa pagsugpo sa korapsiyon, kahirapan at kawalang hustisya na noon pa ay nilabanan ng dating senador.

Kaugnay nito ay sinabi ni Siargao Rep. Bingo Matugas na dapat ay alalahanin ng sambayanang Pilipino ang ginawang sakripisyo at pag-alay ng buhay ni Ninoy para sa bayan.

“Today, August 21, we remember the sacrifice made by opposition leader­ Benigno Aquino Jr., who decided to return to his countrymen des­pite repeated warnings that his life was in danger if he proceeded with his homecoming,” bahagi ng pahayag ng kongresista.

“As we observe this holiday, may we all bring to mind and appreciate the freedoms we now share because of the sacrifices that those before us, especially Ninoy Aquino, made for the country to be freed from oppression,” dagdag ni Rep. Matugas. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy