Una sa Balita

Digong sa mga pulis: Ayaw ko ng pangit!

0 337

NAGBIGAY ng paalala si Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte sa mga pulis na panatilihin ang magandang imahe nila sa publiko.

“You are all handsome. Do not be ugly. It is not good,” saad ni Duterte sa kanyang talumpati kaugnay ng ika-118 anibersaryo ng Philippine National Police’s (PNP) nitong Biyernes.

Sa kanyang talumpati, sinabihan ng Pangulo ang mga miyembro ng PNP na pangalagaan ang integridad ng kanilang hanay at maging tapat sa kanyang tungkulin.

“In all of these undertakings, I call upon you to keep your integrity intact as you uphold the highest­ ethical and professional standards in public service,” diin pa niya.

Nanawagan din siya sa PNP na gumawa ng mga hakbang para maibalik ang tiwala sa kanila ng publiko.

“Now, more than ever, we need to rebuild and sustain the confidence of the Filipino people in our police force. Be assured of strong government support in strengthening the capabilities of the PNP in securing and ensuring the welfare and protection of your personnel,” ayon pa sa Chief Executive.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy