Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Digong sa mga kritiko: ‘Pray harder kung gusto n’yo na ako mamatay’

0 74

Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga kritikong atat na siyang mamatay na galingan pa ang kanilang pagdarasal.

Sa kanyang regular na ‘Talk to the People’, sinabi ng Pangulo na batid niyang marami sa kanyang mga kritiko ang gusto na siyang mamatay at isinusumpa pa aniya siya ng mga ito.

Hindi lingid sa Pangulo ang mga banat at paghahangad ng mga kritiko na mamatay na siya dahil idinadaan pa aniya ito sa social media.

“If you want me to die early, you must pray harder. Actually what you intend or what you like to happen is to see me go,” anang Pangulo.

Pero lahat aniya ng naghahangad ng masama laban sa kanya ay nagkakasakit at ang iba ay malapit ng mamatay.

Maging ang mga inuuduyakan aniya ng kanyang mga kalaban na maging Presidente ay nagkakasakit at delikadong mamatay.

“Kindly take a look backwards. Ilan na sa inyo nagkasakit at ilan sa inyo ang malapit ng mamatay? Hindi kayo pero ang mga tao na inuudyok n’yong mabuhay ang maging Presidente pa, well iyon ang nagkakasakit na ibig sabihin parang delikadong mamatay,” dagdag ng Pangulo.

Hindi pinalagpas ng Pangulo ang pagsagot sa mga naghanap sa kanya sa social media na ipinagpalagay na patay na ito matapos hindi makita mg publiko ng ilang araw.

“Nasaan ang Presidente? You know baka patay na. Eh sabihin ko sana nandito lang ako sa Malacañang natutulog ako mag-isa. Ikaw sino ang kasama mo sa kama? Ikaw ba ang may-ari niyan?,” wika ng Pangulo. (Aileen Taliping)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.