Una sa Balita

Digong sa mga bagitong opisyal: Iwasan ang lakwatsa, korapsiyon

By
0 141

Binilinan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga bagong opi­syal ng gobyerno na maging tapat at maasahan sa kanilang trabaho.

Inihayag ito ng Pangulo sa 178 na mga bagong opisyal ng gobyerno matapos manumpa sa kanya sa Malacañang.

Sinabi ng Presidente na wala siyang ibang bilin sa mga bagong appointee maliban sa dapat maging tapat ang mga ito at iwasang gumawa ng mga hakbang na maaaring makasira sa mga ito.

“Wala naman akong guidance na maibigay except that, you know, the standard is simple. You must be competent and honest,” ani Pangulong Duterte.

Hinimok ng Presidente ang mga bagong nanumpa na magsilbi sa gobyerno sa abot ng kanilang makakaya at protektahan ang interes ng government.

“Basta kayo, magtrabaho lang. The marching order is simple: just protect government inte­rest,” dagdag ng Pangulo.

Kasabay nito inunahan na ng Pangulo ng babala ang mga bagong opisyal na iwasan ang malimit na biyahe at malalaking allowance dahil magiging mahigpit ito sa mga paggastos lalo na ang paggamit ng pondo ng gobyerno.

“I now task you to be at the forefront of excellent public service in your respective departments and agencies. Be the instruments of fairness, transparency, and justice that the Filipino people expect you to be,” dagdag pa ni ­Pangulong Duterte.