Una sa Balita

Digong sa mga alkalde: Iwasan ang mga galamay ni Joma

By
0 441

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga alkalde sa buong bansa na iwasang magkaroon ng ugnayan sa Kilusang Komunista.

Sa kanyang talumpati sa pagtitipon ng League of Municialities of the Philippines, sinabi ng Pangulo na huwag pagbigyan ng kahit na anong pabor o tulong ang mga komunista dahil mapapahiya lang ang mga ito at mawawala ang lahat sa kanila.

“Please do not, do not associate yourselves with the Communist Party of the Philippines. Never give them aid and never give them favor. It will be to your chagrin at the end of the day if you do that. You will lose everything there,” anang Pangulo.

Ang mabuting gawin aniya ng mga alkalde ay pagandahin ang kanilang record sa drugs at intelligence at ipaalam sa mga awtoridad ang presensiya ng mga ito.

Sinabi ng Pangulo na kalaban ang mga komunista at marami ng mga pulis at sundalo ang namatay dahil sa kagagawan ng mga ito.

Binigyang-diin pa ni Pangulong Duterte na hindi na kayang maitama ng peace talks ang mga ginawa ng mga komunista kaya’t tatapatan na lamang ito ng mga puwersa ng gobyerno.

Muli ding binanatan ng Pangulo si Jose Maria Sison, ang founding chairman ng Communist Party of the Philippines (CPP).