Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Digong sa ibang health worker: COVID tapusin muna bago mag-abroad

0 471

Pinakiusapan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ibang medical health workers na hindi agad makaalis palabas ng bansa na maghintay-hintay muna at hintaying matapos ang problema sa COVID-19.

Ito ay matapos payagang makabiyahe na ang mga mayroon ng kontratang mga nurse, doctor at iba pang medical workers na ang dokumento ay may petsang August 31.

SM food to go Banner Ad

Sa mensahe sa bayan nitong Lunes ng gabi, sinabi ng Pangulo na hindi niya agad mapaalis lahat ng medical workers na nais magtrabaho sa abroad dahil kailangan ng bansa ang kanilang serbisyo ngayong may pandemya.

“Sana yung iba naman have the spirit and fervor to serve the Filipino people because we also need help and we have a crisis to deal with. Sana tagal-tagalan na lang muna ninyo until after this COVID-19 will pass. It will come to pass ” dagdag ng Pangulo.(Aileen Taliping)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.