Una sa Balita

Digong sa Con-Com, Kongreso: Hanggang 2019 ako kung gusto niyo

By
0 1,080

PARA patunayang wala siyang ambisyong mag-extend ng termino, hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Kongreso at ang Consultative Committee (Con-Com) na gawing hanggang 2019 lamang ang kanyang termino bago ipatupad ang federal system.

Tugon ito ng Pangulo sa mga kritiko at sa oposisyon na nagsasabing posibleng mapalawig ang kanyang termino sa binalangkas na Konstitusyon kaugnay sa isinusulong na pederalismo.

Ayon kay Pangulong Duterte, wala siyang balak na magtagal sa puwesto kaya hinihimok niya ang Kongreso na maghalal ng bagong Presidente bago ipatupad ang transition ng gobyerno mula unitary patungo sa federal system.

Tugon na rin aniya ito ng Pangulo kay Vice President Leni Robredo na nagsasalita rin laban sa kanya.

Iginiit pa ng Pangulo sa Kongreso na gawin ang kanyang termino na co-terminus at magsisimula sa pagbalangkas ng bagong Konstitusyon hanggang sa transition, at maluwag niya itong tatanggapin.