Una sa Balita

Digong sa bahay ang birthday kasama ng pamilya

By
0 1,460

WALANG aasahang masaganang handaan at magarbong selebrasyon sa ika-73 kaarawan ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Miyerkoles Santo.

Nabatid na tulog at pahinga lang ang gagawin ng Pangulo sa kanilang bahay sa Davao City gaya ng mga nagdaan nitong kaarawan.

Masaya na umano ang Pangulo na makasama ang pamilya at mga apo sa tuwing kaarawan nito na nakagawian na simula pa noong alkalde ito.

Mas mahalaga umano sa Pangulo ang panalangin mula sa kanyang mga tagasuporta at mga kaibigan kaysa magarbong selebrasyon.