Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Digong rumampa sa mall paglayas ng Malacañang

0 119

Nag-shopping muna si Pangulong Rodrigo Duterte bago umuwi sa Davao City.

Sa Facebook post ni Pebbles Duque, dating director ng Bureau of Communications Services, nakita ang dating pangulo sa isang mall sa Makati City habang nasa escalator.

Paboritong puntahan ng dating pangulo ang Greenbelt Shopping Center kung saan naroon ang mga tindahan ng mamahaling relo.

Sa caption ng pinost na larawan ni Duque, nag-revenge shopping aniya ang presidente.

“Pagka-labas na labas ng gate… Revenge shopping! Iba talaga si Rody! O, baka mamaya sabihin nanaman na bumibili ng mahal na relo. E ano???!!! DESERVE niya! Lakampake!” anang post ni Duque.

Mahilig sa relo si Duterte, at kung mayroon din lang pagkakataon ay pumapasyal ito sa nabanggit na mall para tumingin ng mga de-kalibreng relo. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.