Una sa Balita

Digong: Pumatay kay Christine ibalik sa kulungan!

By
0 373

PINABABAWI ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang fiscal sa Cebu City ang desisyon nito matapos pakawalan ang suspek sa dalagitang pinatay at binalatan pa ang mukha.

Sa talumpati ng Pangulo sa campaign rally ng PDP-Laban sa Korona­dal, South Cotabato Martes nang gabi, sinabi nitong tinawagan niya ang fiscal na humawak sa kaso ni Christine Lee Silawan, at iniutos na i-recall ang inilabas na desisyon para pakawalan ang suspek.

Napag-alaman ng Pangulo na pinalabas ang suspek dahil sa teknikalidad.

“Alam ko ‘yung the pain of seeing a case dismissed by a mere technicality. ‘Yung nakapatay ng bata, ni-release upon orders of the pro­secutor. Tinawagan ko siya, sabi ko i-recall mo ‘yang order of dismissal and have the guy re-arrested,” anang Pangulo.

Naniniwala si Pangulong Duterte na ang kasong pagpatay kay Silawan ay resulta ng pagkalulong sa iligal na droga dahil hindi magagawa ito ng isang normal na tao.

Sa klase aniya nang pagpatay, masasabing lumala pa ang problema ng bansa sa iligal na droga.

“The law must be dynamic. Kita mo, apat na na bata ‘yung binalatan, binasag ang mukha, tapos mayroon na naman kahapon. Aywan ko nga­yon. Bakit? Putang ina itong droga na ito!” ang ngitngit na pahayag ng Pangulo.

Dahil dito nagbabala ang Pa­ngulo na magiging matindi ang kampanya sa droga sa natitira nitong tatlong taon sa termino.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy