Una sa Balita

Digong, pulong boykot Mayor Sara bumoto

By
0 863

NABIGO ang mga nag-abang sa pagboto ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte para sa barangay at Sangguniang Kabataan election makaraang hindi ito sumipot sa kanyang voting precinct sa Daniel Aguinaldo High School sa Davao City.

Wala pang ibinigay na dahilan ang Malacañang kung bakit hindi nakara­ting sa kanyang vo­ting precinct ang Pangulo.

Alas-tres nang hapon ng opisyal na nagsara ang botohan sa buong bansa.

Matatandaang nakahanda na ang nasa­bing paaralan para sa pagboto ng Pangulo,­ at katuna­yan ay inilabas ang “victory­ chair” na ginamit nito noong 2016 presidential­ election para magamit niya ulit sana para sa bara­ngay at SK election.

Ayon kay Arlene Bello-Pernes, ang principal­ ng Daniel­ Aguinaldo­ High School, may koordinasyon­ sa kanila ang Presidential Security Group (PSG) ilang araw bago ang eleksiyon kaya’t tiwala silang maka­kaboto ang Pangulo.
Matatandaang kung si Pangulong Duterte ang masusunod ay ayaw nitong matuloy ang bara­ngay at SK election pero nanaig ang pasya ng Kongreso.

Bukod kay Pangu­long­ Duterte, nabatid din na maging ang kanyang­ anak na si dating Davao City Vice Mayor­ Paolo ‘Pulong’ Duterte ay hindi rin bumoto dahil­ nasa ibang bansa pa umano ito kasama ang kanyang asawa.

Nakarehistro bilang botante ang mag-asawa sa Catalunan Gran­de Elementary School.

Samantala, bumoto naman si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa Da­niel Aguinaldo High School.

Nakuhanan pa ito ng larawan habang nagsusulat sa balota na ipinost sa social media.