Una sa Balita

Digong planong bumisita sa mga binagyong lugar

By
0 225

Gustong bisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga lugar na sinalanta ng bagyong Rosita ngayong araw kabilang na ang gusali ng DPWH na natabunan ng landslide sa Mountain Province.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nagkausap sila kamakalawa nang gabi ng Pangulo at nabanggit nito ang balak pagbalik sa Manila.

Nasa Davao City kahapon ang Presidente suba­lit may nakatakdang aktibidad ito sa Cagayan de Oro City.

Sinabi ni Panelo na nais makita ng Presidente ang sitwasyon sa Natonin, Mountain Province kung saan gumuho at natabunan ng landslide ang gusali ng DPWH habang may mga residenteng nagkanlong sa gusali sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Rosita.

Inalerto na aniya ng Pangulo ang mga gabinete sakaling matuloy ang plano nitong bisitahin ang lugar na dinaanan ng bagyo.

Nagpapatuloy ang search operations sa lugar kung saan umaasa ang mga awtoridad na may mali­ligtas pa sa gumuhong gusali.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy