Una sa Balita

Digong planado na ang programa sa huling 3-taon ng termino

By
0 841

TINIYAK kahapon ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. na nakalatag na ang mga progra­mang ipatutupad ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanyang gabinete bago matapos ang termino nito sa 2022.

Ayon sa dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff, nananatiling mainit at hindi kailanman nanamlay ang determinasyon ng Pangulo na linisin ang bansa laban sa paglaganap ng iligal na droga, kriminalidad, terorismo at katiwalian.

Pinagmalaki nito ang mga nasimulan at nagawa ng pamahalaang Duterte sa nakalipas na tatlong taon lalo na ang giyera kontra droga na aniya’y reresolba sa problema ng drug addiction gayundin ang pagwawakas ng kaguluhan at karahasan sa Min­danao sa pamamagitan ng pagbuo ng Bangsamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao (BARMM).

Samantala, tumanggi ang opisyal na tukuyin kung sino ang posibleng pumalit sa Pangulo pagkatapos ng liderato nito sa 2022.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More