Una sa Balita

Digong, Pinay sa SoKor kissing pasok sa 2018 Reuters review

0 329

NAPABILANG sa mga story na ni-review ng international news agency Reuters ang paghalik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang Pilipina sa South ­Korea nang bumisita ito sa nasabing bansa noong Hunyo ng nakaraang taon.

Sa social media account ng ­Reuters, ipinakita ang clip ng nangyaring paghalik ng Pangulo sa Pinay na may caption na, “2018 in review: Philippines’ Duterte stirs controversy by kissing woman on the lips.”

Matatandaang umani ng batikos ang paghalik ng Pangulo, ngunit pagtatanggol nito, walang malisya ang kanyang ginawa.

Nagbigay din ng pahayag ang Pinay na hinalikan ni Duterte. Aniya, pampakilig lamang sa audience ang ginawa nila ng Pangulo. Nabatid na may asawang Koreano at dalawang anak ang Pinay.

Nangyari ang paghalik nang mag-­offer ng libro si Duterte kapalit ang halik. May pamagat na “Altar of Secrets: Sex, Politics, and Money in the Philippine Catholic Church” na isinulat ni Aries Rufo ang librong ibinigay ni Duterte.