Una sa Balita

Digong ‘pambansang cheerer’ kay Pacquiao

By
0 1,027

LILIPAD si Pangulong Rodrigo Duterte sa Malaysia ngayong weekend para manood sa laban nina Senador Manny Pacquiao at Argentine boxer Lucas Matthysse sa Kuala Lumpur.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi official business ang panonood ng Pangulo sa Pacquiao-Matthysse match kaya wala itong bitbit na mga opisyal ng gobyerno.

Sinabi aniya ng Pa­ngulo sa cabinet mee­ting Lunes nang gabi na kung gustong manood ng mga miyembro ng gabinete ay bumiyahe sila pero sariling gastos.

Pero sinabi ni Roque na sasama ito dahil sa nakatakdang pulong ng Pangulo at ni Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad sa Lunes.

Nagkausap kahapon ang Pangulo at si Mahat­hir sa telepono at nais ng Malaysian leader na magpulong sila kaugnay sa isyu ng terorismo at ISIS.

“Sabi ng Pangulo si Mr. Mahathir wanted to discuss with him the issue of the insurgency in Mindanao as well as the issue of ISIS in the region. Tapos nabanggit ni Pangulo sige let’s do it kasi pupunta naman ako ng Malaysia para manood ng Pacquiao fight,” ayon kay Roque.

“Ang unang plano ni Pangulo eh talagang it is going to be a private trip to watch Manny Pacquiao’s fight pero nu’ng nag-usap sila ni Prime Minister Mahathir­ eh nag-date na sila kung baga dahil 15 ang laban, 16 po ang magiging pag-uusap ni Presidente at PM Mahathir,” sabi ni Roque.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy