Una sa Balita

Digong New Year message: Tumulong sa giyera kontra droga, krimen, korapsiyon

0 294

NAKIISA si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsalubong ng mga Pilipino sa Bagong Taon.

Sa kanyang New Year message, hiniling ng Pangulo ang tulong ng sambayanan para malabanan ang problema sa iligal na droga, kriminalidad at korapsiyon.

Sinabi ng Pangulo na tiwala siyang sa pamamagitan ng marubdob na pagmamahal sa bayan at pagkakaisa ay malalampasan ang mga pagsubok na nagiging hadlang sa pagsulong at kaunlaran.

“Let us work hand in hand to defeat the ills of drugs, criminality and corruption that stunt our development. I have no doubt that, with our patriotic fervor and with our solidarity as a people, we can overcome the challenges that impede our continued march towards a more prosperous and progressive future,” anang Pangulo.

Sinabi pa ng Presidente na salubungin ang Bagong Taon nang may hatid na pag-asa at positibong pananaw at pagnilayan ang mga leksiyon ng nakalipas para maharap ang bukas nang may kumpiyansa.

Hinimok din ng Pangulo ang samba­yanan na sama-samang harapin ang nakaambang balakid nang may pag-asa at kakayahan para mapagtagum­payan ang anumang pagsubok na maaaring harapin ng bansa.

“Together, let us face all obstacles head on, armed with the ­knowledge and brimming with hope that we can triumph over any struggles that we may face as a nation.

“May we all have a blessed and bountiful new year!” dagdag pa ng Pangulo. (Aileen Tali­ping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy