Una sa Balita

Digong nawindang sa Manila Bay reclamation project

0 420

NAWINDANG si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga reclamation project sa Manila Bay.

Labis na ikinabigla ni Pangulong Duterte ang panukala para sa reclamation ng 10,000 hektarya mula Navotas City hanggang Cavite.

Noong Disyembre ay binigyan ng go signal ng Philippine Reclamation Authority ang apat na reclamation project sa Manila Bay.

Ito ay ang Navotas City Coastal Bay Reclamation Project, Pasay 360-Hectare Reclamation Project, Pasay 265-Hectare Reclamation Project, Horizon Manila 418-Reclamation Project.

“If it’s an investment to infuse more money into the Philippine economy, it’s OK. But reclaiming 10,000 hectares of the Manila Bay is mind-boggling. There might be some offices and residen­ces,” saad ni Duterte.

Tiniyak pa ng Pangu­lo na hindi siya handa na aprubahan ang reclamation project ma­liban na lang kung may mga nakalatag na hakbang para mapanga­lagaan ang kalikasan at kalusugan ng mga tao. (Prince Golez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More