Una sa Balita

Digong nasunod, rice import tigil muna

0 309

TIGIL muna ang pag-aangkat ng bigas habang panahon ng anihan ng mga lokal na magsasaka.

Inihayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Martes ng gabi sa Malacañang sa harap na rin ng hinaing ng mga magsasaka na naapektuhan ng Rice Tariffication law.

Sinabi ng Pangulo na aatasan niya si Agriculture Secretary William Dar para suspendihin ang importasyon ng bigas habang panahon ng anihan at bilhin ang palay ng mga magsasaka kahit malugi ang gobyerno.

“Yes because its harvest time. Gusto talaga natin walang problema, bilhin lahat ang produce ng farmers. Ngayon mahal, farmgate nila , babawi sila. Hindi na bale gagastos tayo kahit palugi,” anang Pangulo.

Pero nilinaw ng Presidente na kailangan ang pag-aangkat ng bigas para matiyak na mayroong sapat na supply ng bigas ang bansa dahil hindi sapat ang ani ng mga magsasaka para sa 110 milyong Pilipino.

Hihilingin aniya nito sa Kongreso at kay secretary Dar na paglaanan ng pondo ang pagbili sa palay ng mga lokal na magsasaka.

“You appropriate money and we will buy all the rice, farm gate price from the farmers. Mag-import tayo as buffer,” dagdag ng Pa­ngulo. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy