Una sa Balita

Digong napagod nag-burger, fries

0 304

MATAPOS mapagod sa buong araw na trabaho, binigyan ng treat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sarili at kumain ng burger at fries sa isang burger chain sa Greenhills, San Juan noong Martes nang gabi.

Kasamang nag-midnight snack ng Presidente si Senador Bong Go.

Naglabas si Go ng mga larawan nila ng Pangulo sa kanyang social media account at may caption na “time out muna! Gutom kami ni Tatay Digong.

Burger muna,” ani Go.

Batay sa official schedule ng Pangulo nitong Martes, pina­ngunahan nito ang pamimigay ng titulo ng lupa sa mga magsasaka na isinabay sa ika-31 anibersaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program.

Bumisita rin ang Pa­ngulo sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City Martes nang gabi subalit hindi ito kasama sa official schedule na inilabas sa media.­ ­(Aileen Tali­ping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy