Una sa Balita

Digong napaaga ng uwi — Palasyo

By
0 423

SA halip na Linggo pa ay napaaga ng isang araw ang pag-uwi sa bansa ni Pangulong Rod­rigo Duterte mula sa kanyang biyahe sa Israel at Jordan.

Pero agad nilinaw ng Malacañang na walang kinalaman ito sa mga isyung politika na ma­init ngayon sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na magi­ging hu­ling aktibidad ng Pangulo sa Jordan ang pakikipagkita sa Filipino com­munity at pagkatapos nito ay diretso na sa airport para bumalik ng Pilipinas.

Batay sa orihinal na schedule, dapat Linggo nang umaga pa ang pagdating ng Pangulo sa bansa.

Pero sinabi ni Roque na wala nang gagawin pa ang Pangulo pagkatapos makipagkita sa mga Pinoy sa Jordan kahapon, Biyernes, kaya nagpasyang umuwi na sa Pilipinas.