Una sa Balita

Digong nangitim ang mukha sa pampa-beauty ni Honeylet

By
0 904

IBINIDA ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang gamit ng kanyang partner na si Honeylet ang dahilan kaya nangitim ang kanyang mukha.

Sinabi ng Pangulo na noong bumiyahe siya ng Jordan ay pinagamit siya ng cream bilang proteksiyon sa araw suba­lit lalong nasunog ang mukha dahil sa mainit na temperatura sa nabanggit na bansa.

Mabuti na lamang aniya at magaling ang dermatologist niya nga­yon kaya unti-unting nawawala na ang pa­ngingitim ng kanyang mukha.

Abante Hiring – IT dep

“Nasunog ito eh. Mabuti na lang napunta ako doon sa derma…na and she’s very good. Kasi ‘yung ginamit ko kasi ‘yang sa asawa ko.

Eh ‘yung sa asawa ko, Shiseido, may one, two, three, four. Nga­yon lang ako nakakita ng medisina na parang rocket, parang booster. One, sabunan mo, two mahapdi na. Three ganu’n, four, five, tapos meron pa ‘yung maliit,” anang Pangulo.

Matatandaang u­nang pumuna sa nangingitim na mukha ng Pa­ngulo ay si Communist Party of the Philippines (CPP) founding Chairman Jose Maria Sison na nagsabing may matin­ding sakit ang Presidente.

Sinabi ng Pangulo na nakadagdag sa pa­ngingitim ng mukha nito ang pag-ikot-ikot sa mga kampo ng militar na nasa iba’t ibang bahagi ng bansa.