Una sa Balita

Digong nakaabang sa resulta ng imbestigasyon ng LRT-2 banggaan

0 190

HINIHINTAY ng Mala­cañang ang report ng Department of Transportation (DOTr) kaugnay sa banggaan ng dalawang tren ng Light Rail Transit-2 (LRT-2) noong Sabado nang gabi sa pagitan ng Anonas at Cubao station.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nakaabot na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang insidente at hinihintay na niya ang resulta ng imbestigasyon sa banggaan

“The President is concerned that’s why he’s waiting for the result of the investigation—the whys and the wherefores of the accident,” saad ni Panelo.
Wala pa aniyang ipinapalabas na direktiba si Pangulong Duterte kaugnay sa insidente kaya hinihintay pa nila ang opisyal na report na isusumite ng DOTr sa tanggapan ng Pangulo.

Sa naganap na insidente ay umabot sa 34 na mga pasahero ang dinala sa pagamutan matapos masaktan sa salpukan ng dalawang train.

Sinabi ni Panelo na humingi na ng paumanhin sa mga nasaktang pasahero ang Light Rail Transit Authority (LRTA) management at tiniyak na sasagutin ang gastos sa ospital ng mga biktima.

“The management of that outfit has already apo­logized to the public and has conducted or is conducting an investigation on the matter. So we will be waiting for a report. The President will be waiting for a report of the incident,” ani Panelo.

Personal na ininspeksiyon ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang lugar na pinangyarihan ng insidente at tiniyak na iimbestigahan ang banggaan para mabatid kung mayroong naganap na kapaba­yaan at kung sino ang mga dapat na managot sa insidente. (Aileen Taliping/Prince Golez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy