Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Digong naiihi na sa haba ng kanyang SONA

0 41

Dahil sa napakahabang talumpati sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA), inamin ni Pangulong Duterte na naiihi na rin ito sa matagal na pagsasalita.

Alas-4:00 ng hapon nang magsimula ang pangulo sa kanyang talumpati at halos inabot ito ng tatlong oras sa kanyang pagsasalita.

Sinabi ng pangulo na natural lamang na nakakaramdam ng pagkaihi at hindi aniya ito big deal na ikinatuwa at pinalakpakan ng mga bisita sa plenaryo ng Batasan.

“Pati ako nagmamadali na, naiihi na kanina pa eh. Its a natural human biology so what’s the big deal. Bakit kayo magpakpak (palakpak) kung napaihi na ako,” anang Pangulo.

Batid ng pangulo na marami sa mga bisita at mambabatas ang gustong tumindig pero nahihiya lang dahil nagsasalita pa ito kasabay ang pagbibiro na tiyak na mahaba ang pila sa comfort room pagkatapos ng kanyang talumpati.

“Alam ko rin nahihiya kayo magtindig, puno at pila nito pagdating sa CR maya,” dagdag ng pangulo. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.