Una sa Balita

Digong nagpatayo ng ampunan para sa mga sex abuse

By
0 292

PARA patunayang hindi siya galit sa mga babae, binunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroon siyang ipinatayong bahay-ampunan para sa kababaihang biktima ng pang-aabusong seksuwal sa Davao City.

Sinabi ng Pangulo na para ito sa mga batang babaeng biktima ng pang-aabuso ng kanilang ama, tiyuhin, lolo o mga kamag-anak.

Tinawag niya itong “Balay Dangupan” o “House of Refuge”, isang kanlungan para sa mga batang babae na biktima ng sex abuse na tinayo malapit sa Davao airport.

Ayon sa Pangulo, bawal ang media sa lugar dahil ayaw niyang malantad ang pagkakakilanlan ng mga batang biniktima ng kanilang mga ama o mga kaanak.

“Para malaman ng mga tumatawag ng misogynist, meron akong bahay diyan for children who are victims of rape by their own father, uncle, grandfather, tapos buntis,” pahayag ng Pangulo.

Para aniya sa mga kritikong nag-iisip na galit siya sa mga babae, sinabi ng Pangulo na mali sila dahil ang mga binabastos niya ay mga taong sumasagad sa kanyang pasensya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy