Una sa Balita

Digong nagpasaklolo sa mga negosyante sa korapsyon

0 360

SA kanyang pagharap sa grupo ng mga negosyante noong Huwebes nang gabi sa Manila Hotel, inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi maubos-ubos ang mga tiwali sa gobyerno sa kabila ng halos araw-araw na pagsibak nito sa mga tiwaling opisyal at kawani ng pamahalaan.

Hindi aniya nadadala ang mga corrupt sa gobyerno kaya hiniling nito ang kooperasyon ng mga negosyante para mawalis ang mga tiwali sa gobyern­o.

“I cannot succeed no matter how, even if I fire or dismiss every day as I did, as I’ve been doing for the last so many months ‘pag hindi kayo tumulong sa akin. I need badly the cooperation of the business sector,” anang Pangulo.

Hinimok ng Presidente ang mga negosyante na iparating agad sa kanya ang anomang tangkang panghihingi o pangingikil sa kanila ng mga taga-gobyerno lalo na sa transaksiyon ng pagbabayad ng buwis o proseso sa pagbubukas ng bagong negosyo.

“Ang sinabi ko na sa inyo. If there is somebody, just a mere whisper about corruption o maghingi, paabutin lang po ninyo sa akin kasi kailangan ko ‘yung input ninyo to better serve my country and thereby fulfill what I promised to the people,” dagdag ng Pangulo.

Sinabi pa ni Pangulong Duterte na bukas ang kanyang tanggapan ano mang oras para sa mga negosyante na magsusumbong o magbibigay ng impormasyon laban sa mga tiwaling taga-gobyerno. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy