Una sa Balita

Digong nag-Noche Buena kasama si Elizabeth, mga anak, apo

By
0 533

MASAYANG sinalubong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Pasko sa piling ng kanyang mga anak, apo, manugang at unang asawang si Elizabeth Zimmerman sa Davao City.

Sa Facebook post ni dating Davao City Vice Mayor Paolo “Pulong” Duterte, makikitang nasa hapag-kainan ang Pa­ngulo kasama ang mga anak na sina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, Sebastian at Paolo.

Kasama rin ang mga manugang ng Presidente at mga apo at ang unang asawang si Zimmerman.

“Gikan sa amoang pamilya,,daghang sala­mat ug Merry Christmas kaninyong tanan,” ani Paolo.

Bago mag-Pasko ay binisita ng Pangulo ang mga batang may sakit na cancer sa isang ospital sa Davao City at namigay ng mga regalo na nakagawian na nitong gawin tuwing Pasko.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy