Una sa Balita

Digong minaliit ang inflation, rice crisis

By
0 366

MINALIIT ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsirit ng presyo ng mga bilihin gayundin ng krisis sa bigas sa halip ay sinisi nito kay United States President Donald Trump ang mataas na inflation rate sa bansa.

Naitala ang 6.4% na inflation rate nitong Agosto, na pinakamataas sa loob ng nakalipas na siyam na taon, at lagpas sa inaasahan na 4.7% sa nakalipas na tatlong buwan.

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Filipino community sa Jordan na ang ipinatupad na tariff ban ni Trump sa ilang mga ini-import na produkto ang nagpataas sa inflation.

“Sinong nag-umpisa? Amerika. Noong tinaas ang rice ng Amerika, taasan lahat. Ganu’n ‘yan. Wala tayong magawa diyan.
It’s the economy – because America was – Trump wanted it. Pati ‘yung mga taxes na – excise tax, taasan lahat pati imported goods. Kaya ganyan ang nangyari. Noong tinaasan nila ‘yung rates, sabay ta­yong lahat. Kayo naman ang tigas. When America raised the interest, eh ‘di lahat ‘yan nagtaasan,” anang Pangulo.

Sinisisi rin ang pagtaas ng presyo ng bigas sa tumaas na inflation rate pero sinabi ng Pangulo na huwag maniwala sa pinakakalat na rice shortage.

“Kagaya niyang mga shortages of rice. We have 4.8 metric tons. Ano ba kayo? Maniwala kayo diyan mga propaganda nila na… Sila ‘yan e,” ayon pa sa Pangulo.

Maging si Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, iginiit na walang krisis sa bigas.

“There is no rice crisis in our country today. There is no rice shortage,” sabi ni Piñol noong Martes. Pero inamin nito na kakaiba ang taas ng presyo ng bigas ngayon na isinisi niya sa speculation dahil nawala ang NFA rice sa merkado nang apat na buwan at dahil nahuli ang dating ng inangkat na bigas ng pribadong sektor ay nagmahal ang palay at dahil nagho-hoard ang mga trader.