Una sa Balita

Digong: Mga korap sa BOC hubaran, ipahiya!

0 331

Tutuluyan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 64 na mga opisyal at kawani ng Bureau of Customs (BOC) na sangkot sa katiwalian.

Sa kanyang talumpati sa ika-118 anniversary ng PNP Police Service sa Kampo Crame noong Biyernes, sinabi ng Pangulo na walang pagpiliian ang 64 na mga kawani ng BOC kundi umalis sa serbisyo.

Kapag ayaw bumitaw aniya ang mga ito ay kakasuhan niya ng kasong kriminal at mawawala ang lahat sa kanila, pati na ang kanilang salawal at dangal
“You better go or I will really pursue the case criminally. You’ll not only lose your pants, but you will lose everything including being a dishonorable employee of this government,” anang Pangulo.

Sinabi pa ng Presidente na ang nabanggit na bilang ng mga kawani ng BOC ay nasa listahan ng mga tiwali sa gobyerno at patong-patong ang kaso at reklamong katiwalian laban sa mga ito.

“Nandito ang laro, Customs. Kaya ang Customs they will lose about 64 of them. They have been there for 39 years, 38, I’m sorry. You are there in the list of corrupt. You have so many cases there in…,” dagdag ng Pangulo.

Matatandaang inilagay ni Pangulong Duterte sa floating status ang nabanggit na mga empleyado ng BOC noong nakalipas na buwan matapos mapatunayang sangkot ang mga ito sa korapsyon.

(Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy