Una sa Balita

Digong may wish na regalo sa Pasko

0 361

KATULAD ng isang ordinaryong tao ay may hi­ling si Pangulong Rodrigo Duterte na regalo sa nalalapit na Kapaskuhan.

Sa panayam ng prog­ramang ‘Unang Hirit’ ng GMA-7 ay ibinahagi ng Pangulo ang hangad niyang regalo sa Pasko.

“Wala na actually. Ako hindi ako nagdadasal para sa sarili ko, para sa bayan ko. Kung ano lang ang ibibigay ninyo. Puwede sana motor,” anang Presidente.

Wala ring takot na sinabi ni Duterte na mas mabuting mamatay na lamang siya kaysa isuko ang hilig niya na magmotorsiklo.

“Hindi ako maghihinto. Dahil ‘pag maghihinto, mas mabuti pang mamatay na. Wala na e. Kung walang kaligayahan ang buhay mo, mabuti pang mamatay ka,” dagdag ng Pangulo.(Prince Golez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy