Una sa Balita

Digong may tiwala pa rin kay Guerrero – Panelo

0 223

NAGTITIWALA pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte kay Bureau of Customs (BOC) Chief Rey Leonardo Guerrero sa kabila ng nakaumang na sibakan sa kanyang ahensiya.

Inihayag ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa harap ng hindi pa rin matapos-tapos na isyu ng korapsiyon sa Aduana.

Sa gitna na rin ito napipintong tanggalan sa BOC na kamakalawa lamang ay nabanggit ni Pangulong Duterte na apat pang opisyal ang sisibakin sa mga susunod na araw.

Ayon kay Presidential Chief Legal Counsel Salvador Panelo, wala namang nababanggit ang Presidente tungkol kay Guerrero na maaa­ring maiugnay sa nakaumang na sibakan sa ahensiya.

“I think so because he has not mentioned anything about him. Wala naman siyang binabanggit sa kanya,” saad ni Panelo.

Kaugnay nito’y sinabi ng tagapagsalita ng Pangulo na tila naghahamon pa rin ang ilang mga taga-custom sa kasalukuyang administrasyon sa gitna ng zero tolerance nito kontra korupsiyon.

Ito’y sa kabila ng nakailang palit na ng mga namiminuno sa ahensiya at pagpapatupad ng mga reporma pero nagpapatuloy pa rin ang katiwalian. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy