Una sa Balita

Digong may P1M pabuya laban sa killer ng 4 pulis-Negros

0 300

By Prince Golez/Juliet de Loza-Cudia/Vick Aquino

NAG-ALOK si Pangulong Rodrigo Duterte ng P1 milyong reward para sa sinumang makakahuli o makakapatay sa mga taong pumaslang sa apat na pulis sa Ayungon, Negros Oriental.

Karagdagang P50,000 reward ang ibibigay sa paghuli sa lahat ng sangkot sa krimen, ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Ayon kay Panelo, nagsagawa ng command conference ang Pangulo sa Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police nitong Sabado kung saan tinalakay ang pagkakapatay sa apat na pulis.

Binisita ni Pangulong Duterte noong Sabado nang hatinggabi, ang burol ng apat na pulis na napatay matapos na tambangan ng mga miyembro umano ng New People’s Army (NPA), noong Huwebes sa Ayungon, Negros Oriental.

Kasama ng Pangulo na pumunta sa burol ang kanyang top aide at ngayon Senator Christopher ‘Bong’ Go, Interior and Local Government Secretary Eduar­do Año, Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Oscar Albayalde, at Office of the Presidential Assistant for the Visayas, Secretary Michael Lloyd Dino.

Hindi nagbigay ng anumang talumpati si Duterte pero pinangunahan nito ang conferment ng Order of Lapu-Lapu sa ginanap na awarding rites sa Camp Francisco Fernandez, Sibulan, Negros Oriental at binigyan rin ng tig-P250,000 financial assistance ang pamilya ng nasawing pulis.

Tatanggap rin ng posthumous award sina Cpl. Relebert Beronio, Pat. Raffy Callao, Pat. Ruel Cabellon, at Pat. Marquino de Leon.

Nabatid na ang mga nasawi ay pawang mga intelligence personnel mula sa 704th Mobile Force Company Regional Mobile Force Battalion ng PNP sa Central Visayas.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy