Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Digong may bagong PNP chief na

0 72

Inanunsyo ni presidential spokesperson Harry Roque na may nakapili na si Pangulong Rodrigo Duterte ng susunod na Philippine National Police (PNP) chief.

Ngunit ayon kay Roque, hindi niya pa ito puwedeng pangalanan.

“I know he has made the decision but I’m not at liberty to announce anything unless I have the appointment paper,” saad ng tagapagsalita ng Pangulo.

Matatandaan na nagpasa na si Interior Secretary Eduardo Año ng listahan kung saan isang pangalan lang ang nilagay nito para sa rekomendasyong maging sunod na PNP chief.

Sa Mayo 8 ay nakatakdang magretiro si Gen. Debold Sinas bilang top official ng PNP.

Samantala, nagpaalam na sa media at sa 221,000 miyembro ng kapulisan si Sinas matapos ang kanyang huling press conference sa Camp Crame kahapon dahil sa pagreretiro nito sa serbisyo sa Mayo 8.

“Ang lahat ng accomplishment na ipinagmamalaki natin ngayong araw na ito ay nagmula lahat sa inyo. Every accomplishment of the PNP lies the story of the 221,000 police men and women of the Philippine National Police who heeded to my call to fight illegal drugs, crime, corruption and terrorism,” pahayag ni Sinas sa binasang statement.

Isa umano sa ipinagmamalaki na nagawa niya sa panahon ng kanyang termino ay ang maayos na pagtugon ng PNP sa pandemic na coronavirus disease 2019 (COVID-19). (Ray Mark Patriarca/Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.