Una sa Balita

Digong makikipagkita kina Jalandoni, Agcaoili

By ,
0 298

NAKATAKDANG maki­pagkita si Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na linggo kina Communist Party of the Philippines (CPP) peace negotiators Luis Jalan­doni at Fidel Agcaoili sa Manila.

“President Duterte has tasked me and Secretary Salvador Panelo to meet with them in an informal chat,” ani Peace Adviser Jesus Dureza.

“I am now on my way to head the Philippine de­legation to the United Nations General Assembly in New York so the planned meeting may take place upon my return next week,” dagdag ni Dureza.

Nalaman na noong nakalipas na Nobyembre 10 nang humiling ng pakikipagpulong kay Pangulong Duterte sina Jalandoni at Agcaoili sa Pilipinas.

Una nang sinabi ni Duterte na hindi niya isisikreto ang pakikipagpulong sa dalawa.

Noong nakalipas na taon ay tinapos ni Duterte ang peace negotiation sa pagitan ng komunistang grupo dahil sa patuloy na pag-atake ng NPA sa tropa ng gobyerno.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy