Una sa Balita

Digong lumambot sa mga NPA, negosasyon sa hotel gagastusan

By
0 864

HANDA si Pangulong Rod­rigo Duterte na muling buk­san ang peace talks sa New People’s Army (NPA) basta itigil ang ginagawang karahasan at igalang ang ceasefire o tigil-putukan.

Sa kanyang talum­pati sa inagurasyon ng bagong tulay sa Bo­ngabong, Oriental Mindoro kagabi, sinabi ng Pangulo na kung gusto ng NPA ng totohanang pag-uusap ay itigil ang kanilang karahasan at mga extortion activity at pangha-harass sa mga negosyante.

Binigyang-diin ng Pre­sidente na hindi madaling makarating sa paroroonan dahil maraming balakid pe­ro hindi aniya nito sinasarhan ang lahat ng posibilidad para sa pag-uusap.

Sinabi pa ng Pangulo na handa niyang gastusan ang pag-uusap sa hotel pati na sa gastos sa pagkain total ay kakaunti lang naman ang mga NPA.

“Kung gusto niyo tala­ga ng totohanan, is you stop immediately, you and I, ceasefire tayo. Ni walang isang putok, maski labintador and I would be happy.

Ako po’y ready – I will subsidize the peace process. Ako ‘yung babayad ng hotel, ako ‘yung babayad ng gastos niyo. At ‘yung mga tao niyo, kung ano ang naipon, ‘yun muna ang gastusin nin­yo,” anang Pangulo.

Kung gusto aniya ng ka­payapaan ay itigil ng mga rebelde ang revolutionary go­vernment at huwag manunog dahil walang negos­yanteng papasok sa isang proyekto, kung sisirain ang gamit ng mga ito na minsan ay pinapatay pa ang mga ito.