Una sa Balita

Digong lumambot: ABS-CBN franchise isalang na!

0 522

HINILING ni Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go kay House Speaker Alan Peter Ca­yetano na simulan na ang pagtalakay sa franchise bill ng ABS-CBN Corporation, indikasyon na may basbas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-usad ng prangkisa ng network.

Ayon kay Go, dating Special Assistant to the President, mapapaso ang prangkisa ng ABS-CBN sa Marso 30, 2020 kaya mainam na dinggin na ito para mapagbotahan kung dapat pang palawigin pa ang prangkisa nito o hindi.

“Franchise renewal it will emanate from the Lower House so dapat na rin nilang i-tackle ito sa Lower House sa congressmen just vote according to your conscience. Hopefully it is for the interest of the Filipino people,” pahayag ni Go.

“Mas lalo natin pinapatagal mas lalong umiinit ang isyu, pag-usapan n’yo. Ito naman ang proseso, pag-usapan n’yo then papadala dito sa Senado then the President will decide then hayaan natin siya to approve or exercise his veto power,” dagdag pa nito.

Nilinaw pa ni Go na walang utos si Duterte na harangin ang franchise renewal ng ABS-CBN.

“Huwag, ‘wag mo naman sabihing ayaw ni Presidente na ayaw niya i-renew. Vocal siya sa kanyang sama ng loob pero wala siya inuutos kahit kanino,” sabi ng senador.

“Ako bilang close to President, parati niya sinasabi vote according to your conscience at unahin ang interes ng Filipino,” dagdag pa nito.

Mayroong 11 panukalang nakabinbin sa Kamara para sa pagpapalawig ng prangkisa ng nasabing network. (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More