Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Digong, Leni magkaiba ng tadhana bilang VP – Palasyo

0 17

Iba ang magiging tadhana ni Pangulong Rodrigo Duterte sakaling maging bise presidente ito.

Tugon ito ng Palasyo sa naging pahayag ni Vice President Leni Robredo na sana ay hindi pagdaanan ng presidente ang mga naranasan niya sa pagiging bise presidente.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi matutulad si Pangulong Duterte sa sitwasyon ni VP Leni dahil magkaiba naman ang sitwasyon nila.

“Talaga naman pong tayo ang tumatahak ng ating tadhana, siguro ganyan ang inukit na tadhana ni VP Robredo, sa tingin ko naman po iba ang magiging tadhana ni Presidente Duterte kung sakaling siya ang magiging VP,” ani Roque.

Binigyang-diin ng kalihim na hindi nagkulang si Duterte dahil binigyan niya ng posisyon sa gabinete si VP Leni noon bilang housin­g subalit mas pinili nitong maging lider ng oposiyon. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.