Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Digong-Leni infomercial swak kay Duque

0 211

Pabor si Health Secretary Francisco Duque III sa mungkahi na pagsamahin sina Pangulong Rodrigo Duterte at Bise Presidente Leni Robredo sa isang infomercial para himukin ang mga Pilipino na huwag matakot sa bakuna kontra COVID-19.

Sinabi ni Duque sa isang panayam sa radyo nitong Biyernes, wala na dapat politika kapag pinag-uusapan ang kalusugan ng mamamayan lalo na sa isyu ng pagbabakuna laban sa COVID-19 infection.

“Wala dapat mga parti-partido diyan, walang administrasyon, walang oposisyon. Dapat unifying ang ating objective,” sabi ni Duque.

Samantala, bukas naman ang kampo ni Robredo na magsama sila ng Pangulo sa infomercial.

“Kung may magri-reach out sa kanya at magsasama sila ni Pangulong Duterte para magkaroon ng infomercial para lalong ma-enganyo ang ating mga kababayan na magpabakuna sa lalong madaling panahon, eh bukas ho siya d’yan,” sabi ni Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.