Una sa Balita

Digong, Lacson iisa ang istilo

By
0 1,968

Ipinagmalaki ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na pareho sila ni Pangulong Rodrigo Duterte ng estilo ng pamumuno.

Sa pahayag ni Lacson gamit ang kaniyang Twitter account, sinabi nito ang pagkakapareho nila ng Pangulo pagdating sa pamumuno.

Aniya, tulad ng Pangulo ay wala ni isa sa kaniyang grupo ang tinatatakan bilang ‘indispen­sable’.

Sabi pa nito, kung mayroong gumugustong lisanin ang kanyang pamumuno ay hindi nito pipigilan.

“I realized I have one leadership style similar to PRRD,” sabi ni Lacson.

“No one in my team is indispen­sable. If you want out, just go,” sabi pa nito.