Una sa Balita

Digong kukumbinsihin ang ibang bansa na lumayas sa ICC

By
0 2,380

TINAWAG ni Pangulong Rodrigo Duterte na ‘bullshit’ ang Rome Sta­tute na nagtatag sa International Criminal Court (ICC) kasabay ng paghikayat sa ibang nasyon na umalis na rin sa pagiging miyembro nito.

Ipinahayag ito ng Pa­ngulo sa kanyang talum­pati sa harap ng may 282 kadete ng Philippine Military Academy (PMA) na nagtapos kahapon sa Fort Del Pilar sa Baguio City.

“The treaty is bullshit,” ayon kay Pa­ngulong Duterte sa kanyang pagsasalita sa gra­duation ng PMA 2018 Alab Tala Class.

Kasabay nito, hinimok ng Pangulo ang ibang bansa na miyembro ng ICC na umalis na rin dito dahil ang European Union umano ang sponsor ng Rome Statue.

Ipinaabot din ni Pa­ngulong Duterte ang kanyang paghanga sa mga bansa na hindi umanib sa ICC at muling iginiit na hindi siya sakop nito.

“I will convince everybody now under the treaty, get out. Bastos ‘yan. It was not a document prepared by anybody. It’s EU-sponsored,” sabi pa ng Pangulo.

Matatandaan na unan­g idineklara ni Pa­ngulong Duterte ang pag­layas ng Pilipinas sa ICC noong Marso 14.

Ito’y matapos na magbigay ng nakakainsultong komento laban sa kanya si United Nations (UN) High Commissioner for Human Rights Zeid Ra’ad Al Hussein. (Juliet de Loza-Cudia)